Wednesday, March 31, 2010

20 Signs You're Watching a Pinoy Movie

 



1. Sasayaw ang loveteam sa likod ng puno ng buko kapag nasa beach ang eksena. Alternate na lalabas ang ulo nila from behind the puno.

2. Ang kontrabidang babae yayakap sa bidang lalaki, sabay taas ng kilay at ngingisi.

3. Ang pansit, nagdadala ng malas. Uuwi ang bida na may dalang pansit para sa kanyang nanay na si Anita Linda. Tatawagin ng bida ang mga bata para kumain at kukumustahin niya ang pag-aaral ng mga bata habang kumakain sila. Biglang may titigil na sasakyan sa harap ng bahay at pauulanan ng bala ang pamilya. Mamamatay si Anita Linda at sisigaw ang bida ng “Inaaayyyy!!!” at mangangakong ipaghihigante ito. Moral of the eksena: Ang pansit ay nakakamatay.

4. Kapag may magkaribal na babae, ‘yung mabait derecho ang buhok at may bangs. ‘Yung salbahe, laging kulot.

5. Sa Pinoy action movies, ang bida hindi nauubusan ng bala.

6. Sa Pinoy action movies, kapag tumakbo ang bida, sa lupa lahat ang tama ng bala ng kalaban.

7. Kapag may mob na pupunta sa bahay kubo ng manananggal, si Vangie Labalan ang laging lider.

8. Alam mong moment of truth na kapag sinabi ng bida ang title ng pelikula (sample: Isang Bala Ka Lang or Kapag Puno na Ang Salop).

9. Ang tawag ng kontrabida sa kanyang mga goons, “Mga bata.”

10. ‘Yung nakababatang kapatid ng bida habang naglalaro, mabibitiwan ang bola at mapupunta sa gitna ng kalsada. Pagkatapos, may darating na sasakyan at itutulak ng bida ang bata at ‘yung bida ang papagitna ng kalsada. Naka-cross ang arms ng bida who is covering his face. Sisigaw ang bata ng, “Kuyaaa!” Next scene: Nasa ospital sila. Simula na ng drama.

11. Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida pero umaaray siya kapag ginagamot na siya ng leading lady. Next scene: Nagla-love-making na sila.

12. Kapag sinabi ng kontabida sa bida ang masama niyang plano, sasabibin ng bida, “Hayop ka!”

13. Ang bidang babae, kapag katulong ang role siguradong iri-reveal ng amo na anak siya nito.

14. Ang nanay ng mayaman ay laging may pamaypay na pang-mayaman at ang nanay ng mahirap ay laging naka-duster.

15. Ang hideout ng kontrabida ay parating mansyon na may chicks na naka-hilira sa paligid ng pool.

16. Ang mga bida sa drama, kapag nakatanggap ng masamang balita laging may pinto sa likod nila para puede sila sumandal habang nag-i-slide dahan-dahan pababa, todo iyak at kung minsan with matching uhog.

17. Kapag hindi nahuli ng mga goons ang bida, sasabihin ng boss sa kanila, “Mga inutil!”

18. Laging nakakapulot ng baril na may bala ang bida kapag kinakailangan niya.

19. Laging mas maganda ang yaya ng bida kaysa sa kontrabidang anak ng amo niya.

20. Kapag ang ending ng movie ay song-and-dance number sa beach o sa resort, ang huling frame shows the cast na tumatalon, sabay freeze.

From: http://www.topgear.com.ph/board/index.php?topic=3615.0

Tuesday, March 30, 2010

Top 10 Inspiring Songs For Holy Week


It's the Lent season again, a time of stripping down to essentials as each of us focus on our individual relationship with God. I'm not a regular church guy by any means,and though born and raise in Catholic way the opportunity to take time and reflect is very much appreciated.

Friday, March 26, 2010

TUMBLR Posts of the Week


Tumblr  is probably  one of  the fastest way to get breaking news and highlights. Along the way I find myself laughing every single day that's why I decided to put up some of the best Tumblr posts every week.



Tuesday, March 23, 2010

The Presidentiables

Malapit na ang May 10 Election, kaya naman abala na naman ang ating magigiting na politiko sa kanilang pangangampanya. As usual hindi na naman mawawala ang mga ganitong eksena tuwing campaign period:

-ginagamit yung mga mahihirap na bata, at namimigay ng pera.
-ang pathetic na paggamit ng mga celebrities para makakuha ng momentum. 
-campaign songs
-umaastang puno ng malasakit sa tao pero alam mong namumulitika




                                                                                                                                                                                                             
Ano ang sinasabi ng mga taong nasa larawan?
 
A: “Hoy Kris! Ayusin mo nga ‘yang mga daliri mo at baka isipin nilang ikinakampanya mo si Villar!”
B: “Gosh, ang hirap ngumitee under the sun huh. Naku Noy, mas keri ko talagang mag-cry na lang sa studio. Promise!”
C: “Okay ‘tong 3-D shades ni Joshua ah. Ang linaw! Kitang-kita ‘yong mga chicks sa kalsada!”
D: “Aminin mo na Kris, iba ang level ng saya rito!”





Ano ang sinasabi ng mga taong nasa larawan?

A: “Galunggong ba ‘tong mga ‘to! Sa’n dito ang presyo?”
B: “Hoy Villar! Harapin mo ako! Huwag kang magtago sa likod ng mga kahon, duwag!”
C: [Guy in grey] “Guard, guard! Bakit nakapasok dito si Andal Ampatuan Jr.? Palabasin ‘to!”







 Ano ang sinasabi ng bata sa larawan?

A: “Sorry po Senator! Nahihirapan po akong gawin ang V sign sa mga daliri ko kaya ito na lang: C sign for C-5! Joke! Joke! Joke!”
B: “Senator Villar, ako po ‘yung anak ng babaeng nakasama n’yo minsang maligo daw kayo sa dagat ng basura. Sabi po ng nanay ko, ganito lang daw po kalaki ang kuwan n’yo… ahihihi!”




 Ano ang angkop na caption, deskripsyon, o pamagat sa larawang ito?

A: ‘Uy, buchikoi, butchikoi, come to Lolo Dick. Ang cute cute! Kamukha mo ang lola Kate Gordon mo.”
B: “‘Pag ‘di pa tumaas sa 2 percent ang rating ko, talagang nandadaya na ‘yang Pulse Asia at SWS!”
C: “Akala ng Noynoy na ‘yan, siya lang ang may kakayahang gumamit ng props na bata!”








Ano ang angkop na caption, deskripsyon, o pamagat sa larawang ito?

A: “Kailangan ko ba talagang kainin ‘to? Saan ba ‘to galing? Baka magka-hepa ako!”
B: “Pakisabi sa photographer, huwag na huwag niyang ilalabas ang litratong ‘to. Utang na loob, hindi ito ang anggulo ko! Please lang!”
C: “Iniinsulto n’yo ba ako? Hindi n’yo na kailangang ipamukha na ang aking SURVEY RATINGS at ang BANANA have something in common: they’re both sagging.”




 Ano ang angkop na caption, deskripsyon, o pamagat sa larawang ito?

A: “Nakikita mo ba ‘yan iho? ‘Yan ang C5 road extension project at d‘yan kumita nang malaki ‘yung mamang naka-orange na lagi mong napapanood sa TV.”
B: “Siguro, idol mo ang kapatid kong si Kris ano? Bakit sa tanong na ‘what sound does a bee make,’ ang sagot mo ay “The Buzz!”
C: “Anak, palitan mo ‘yang sinulat mo. Ang tamang tandem ay ‘Noynoy-Mar,’ hindi ‘Noynoy-Jejomar.’

Thursday, March 18, 2010

Put Your Money Where Your Mouth Is

I must admit  that Pacquiao's last fight against Clottey wasn't as entertaining compared to his other fight. Gayweather err Mayweather definitely knows how to play the game, outside the ring that is. Upon reading this article One-dimensional Pacman bores Mayweather Jr, I just can't help laughing when he said that  "At least when you watch Floyd Mayweather Jr., you know you’ll be seeing non-stop action for 30 minutes straight".

Wednesday, March 17, 2010

TUMBLR Posts of the Week


Tumblr  is probably  one of  the fastest way to get breaking news and highlights. Along the way I find myself laughing every single day that's why I decided to put up some of the best Tumblr posts every week.

Quote

About Me

free counters

Popular Posts